GMA, mas bida sa US kaysa RP
June 24, 2002 | 12:00am
Ikinalungkot ni Pangulong Arroyo ang pangyayaring mas binibigyan ng halaga sa ibang bansa lalo na sa Amerika ang ginagawa niyang pagsisikap para masugpo ang terorismo habang tila hindi naman ito binibigyan ng importansiya sa sarili niyang bansa.
Sa isang panayam kay acting Press Secretary Silvestre Afable, bagaman lubos ang papuri ni US President Bush sa Pangulo dahil sa pagkakapatay kay Abu Sabaya, may dinaranas na pagbaba ng satisfaction rating ang Presidente itoy dahil may mga problemang kinakaharap pa tulad ng power purchased adjustment o PPA.
"The President has not been defensive. Its not her fault. If you would look at the survey... its all across, institutionally," ani Afable.
Sinabi ni Afable, hindi talaga maiiwasan ang mga kritisismo at pagkakaroon ng ibang pananaw ang ilang sektor ng lipunan dahil sa problema sa ekonomiya.
Pero dapat din aniyang tingnan ng mamamayan na may mga pag-unlad rin na nangyari sa ibang bahagi ng bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest