^

Bansa

Naarestong tauhan ni Sabaya inatake sa puso, patay

-
Dahil sa umano’y matinding pressure matapos madakip, namatay sa atake sa puso ang isa sa apat na nadakip na tauhan ng napaslang na si ASG spokesman Abu Sabaya habang nakapiit ang una sa AFP-Southcom sa Zamboanga City kamakalawa ng hatinggabi.

Ayon kay Southcom chief Major Gen. Ernesto Carolina, bandang alas-10 ng gabi kamakalawa ng makaramdam ng pananakit ng dibdib si Hassan Hamsi alyas Abu Ayob.

Agad itong isinugod sa Southcom hospital pero binawian ng buhay pasado alas-12 ng hatinggabi.

Sa pahayag ng tuminging doktor, may myocardial infraction ang suspek na umano’y posibleng nakuha sa hypertension o sa sobrang taba sa katawan. Ang taong nagtataglay nito ay tumataas ang dugo sa puso at bumababa ang supply ng oxygen.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ni Hamsi para mawala ang pagdududa na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay nito.

Si Hamsi, kasama ang tatlo pang naarestong sina Abdurakman Ismael, Margani Isnilon at Adzmar Aluk ay kasama ni Sabaya ng makasagupa ng magkakasanib na elemento ng Phil. Navy Special Warfare Group at blocking force ng Marines. (Ulat ni Joy Cantos)

ABDURAKMAN ISMAEL

ABU AYOB

ABU SABAYA

ADZMAR ALUK

ERNESTO CAROLINA

HASSAN HAMSI

JOY CANTOS

MAJOR GEN

MARGANI ISNILON

SOUTHCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with