^

Bansa

Tuloy ang PPA

-
Tuloy pa rin ang implementasyon ng power purchased adjustment matapos na balewalain ng Pasig City Regional Trial Court ang mosyon para sa isang temporary restraining order (TRO) na humihiling na itigil ang paniningil ng Meralco at Napocor ng PPA.

Sa tatlong pahinang resolusyon ni Judge Alfredo Flores ng branch 167, hindi umano kailangan ang TRO dahil sa wala naman umanong malaking pinsala na idudulot ang PPA charges sa publiko.

"The injury feared by petitioners is yet speculative in the abscence of evidence that the imposition of the PPA was not commensurate to the purpose of giving them the pleasure of using electricity without interruptions and thus, excessive or made only for the benefit of the respondents," ayon kay Flores.

Sa mga nakaraang hearing, iprinisinta ng mga nagpetisyon ang ilang consumer ng kuryente ukol sa perhuwisyong naidudulot ng PPA tulad ng pagkaputol ng suplay nito kapag tumatangging magbayad.

Isinampa ang petisyon para sa abolisyon ng PPA sa pangunguna ni dating senador Juan Ponce Enrile at ilang grupo. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

ISINAMPA

JUAN PONCE ENRILE

JUDGE ALFREDO FLORES

MERALCO

NAPOCOR

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

PPA

TULOY

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with