^

Bansa

Abu Sabaya, trainee policeman bago naging public enemy no. 1

-
Nabatid sa military files na si Abu Sabaya, 40, ay isang drop-out student ng criminology course noong 1986. Matapos iwan ang police training sa Zamboanga City ay sumali siya sa Moro National Liberation Front (MNLF), isang Muslim separatist group.

Dito niya natutunan ang black art ng bomb-making at sabotage, pero umalis sa naturang grupo makaraang lumagda sa peace treaty ang MNLF noong 1996.

Nagtungo ng Saudi Arabia si Sabaya, pero hindi malinaw kung anong ginawa niya doon.

Bumalik si Sabaya sa Pilipinas noong 1999 at sumama kay Abdurajak Janjalani, founder ng Abu Sayyaf noong early 1990s.

Nang mapatay ng tropa ng pamahalaan si Abdurajak noong 1998 ay pinamunuan ng kanyang kapatid na si Khadafi Janjalani ang grupo at si Sabaya ang naging chief spokesman at pinaka-prominenteng lider ng Abu Sayyaf.

Napag-alaman na ang grupo ay pinondohan ni Saudi-born Osama bin Laden.

Sa ilang okasyon kapag nagpapakita ito sa press, si Sabaya ay larawan ng modern-day pirate. May bandana siya sa ulo, isang hikaw sa kaliwang taynga at itim na sunglasses na kanyang trademark.

Kamakailan ay nag-alok ang US ng $5 million reward para sa ikadarakip ni Sabaya at apat pang top leaders ng Sayyaf dahil sa May 27, 2001 kidnapping ng tatlong Amerikano.

Isa dito, si Guillermo Sobero ay pinugutan ng ulo bilang "independence day gift" kay Pangulong Arroyo, samantala si Martin Burnham ay napatay sa isang rescue operation at nakaligtas naman ang asawang si Gracia.

ABDURAJAK JANJALANI

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

GUILLERMO SOBERO

KHADAFI JANJALANI

MARTIN BURNHAM

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PANGULONG ARROYO

SABAYA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with