Natitirang miyembro ng pamilya Bacolod binigyan ng security
June 21, 2002 | 12:00am
Binigyan na kahapon ng seguridad ng PNP ang natitirang tatlong miyembro ng pamilya Bacolod na minasaker kamakailan ng hinihinalang mga miyembro ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Associations sa Mandaue City kasunod ng pangambang buweltahan ang pamilya ng mga panatiko ng sumukong lider ng PBMA na si Ruben Ecleo Jr.
Binuo na rin ng pulisya ang Task Force Bacolod para mapabilis ang pagresolba sa pamamaslang sa mag-asawang Elpidio at Rosalia Bacolod, anak na sina Ben at Evelyn at isang Paterno Laktawan, kapitbahay ng mga biktima na nakitulog lamang.
Mananatili sa kustodya ng PNP-CIDG sina Enrique, dalawang kapatid na lalaki at isa pang babaeng guro hanggat hindi nanunumbalik sa normal ang sitwasyon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest