Nabatid sa PBMA sources na naggu-grupo na ang "White Eagles" para umano lumusob sa Crame kung saan ilan umano sa grupong ito ay maaaring nakasunod na sa kanilang master.
Matapos mapatay ang 23 katao na pawang close-in security ni Ecleo sa naganap na running gun battle sa pagitan ng tropa ng militar at pulisya ay nagtago na ang mga miyembro nito na datiy madalas makitang nagpapatrulya sakay ng motorsiklo sa palibot ng Dinagat island.
Ang White Eagles ayon sa sources sa PBMA ay binubuo ng mga dating sundalo na AWOL (absent without official leave) o na-discharge sa military service. Silay pinili ni Ecleo na magbantay sa White house at magpatupad ng rules and regulation ng PBMA sa isla ng Dinagat.
Ang grupo ayon pa sa sources ay armado ng high-powered firearms at nakapagtayo na rin ng ilang kuta sa Dinagat.
Ang White Eagles ay itinatag ni Ecleo Jr. simula ng pamunuan ang PBMA matapos mamatay ang kanyang ama noong 1987.
Ang mga miyembro nito na nakasuot ng pulang headband at puting damit ay naniniwalang sila ay invisible o hindi nakikita at sgaya ng ibang kulto sa Mindanao, ay naniniwalang kapag namatay sila sa pagtatanggol sa kanilang master ay nangangahulugan ito ng eternal happiness sa kabilang buhay.
Ito ang resulta ng isinagawang drug test kahapon ng PNP-crime laboratory sa dating mayor ng Dinagat island.
Isinailalim na rin sa paraffin test si Ecleo para matiyak kung nakipagbarilan din ito sa mga pulis at sundalo na nag-serve ng warrant of arrest.
Kasunod nito, ipinag-utos na rin ni PNP-CIDG director Nestorio Gualberto ang pagsasailalim sa drug test at paraffin test sa mga naarestong miyembro ng kulto.
Matapos sumuko si Ecleo sa mga awtoridad ay agad itong ipinasuri sa drug test bunsod ng nakitang magaspang na pagkilos nito na hinihinalang epekto ng droga.
Si Ecleo ay nahaharap sa kasong parricide matapos umanong patayin ang kanyang asawang si Alona.
Nauna nang lumitaw sa pagsisiyasat na umanoy ugat ng di pagkakaunawaan ng mag-asawa ng magpilit ang babae na magpasailalim sa rehabilitasyon sa droga si Ecleo.
Matataas na kalibre ng baril at bala umano ang nasa pag-iingat ng private army ni Ecleo na handa nilang gamitin sa mga inosenteng sibilyan.
Dapat din aniyang siyasatin ang background at history ng PBMA dahil sa posibilidad na ito ang nasa likod ng ibat ibang krimen at human rights violation sa Surigao at sa mga karatig na lugar nito.
Ayon kay Beltran, isa umanong mapanganib na kulto ang PBMA dahil pumapatay at handang mamatay ang mga ito para lamang maipagtanggol ang kinikilala nilang lider.
Hinamon din ni Beltran ang Arroyo administration na kumpiskahin ang assets ng PBMA at huwag pagpiyansahin si Ecleo na nahaharap ngayon sa ibat ibang kaso.
Kung tutoo aniya ang mga naglalabasang ulat tungkol sa PBMA kung saan naniniwala silang reincarnation ni Kristo ang ama ni Ruben Ecleo ay lumalabas aniyang malayo na sa katotohanan ang pinaniniwalaan ng kulto at maaaring maging bayolente ang mga ito.(Ulat nina Perseus Echeminada at Malou Escudero)