Ang mga "independent minded" na senador na nagbabalak tumiwalag ay sina Senators Joker Arroyo, Francis Pangilinan, Manny Villar, Ralph Recto, Noli de Castro at Renato Cayetano.
Ayon sa mapagkakatiwalaang impormante, nagpaplanong lumayas sa administration bloc ang anim dahil na rin sa paniniwala na "they cannot sleep with the enemies" kung saan ang tinutukoy ay ang mga oposisyon.
Ayon pa sa source, maging si Senate President Franklin Drilon ay inaasahang kakampi din sa grupong ito na magiging new minority sa Senado kapag natuloy ang pagkakaroon ng koalisyon dahil hindi na rin naman ito ang magiging pangulo ng Senado kapag nangyari ito. (Ulat ni Rudy Andal)