Pinoy sa Saudi hulog sa gusali, patay
June 19, 2002 | 12:00am
Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nalitson ng buhay kahapon sa Jeddah, Saudi Arabia makaraang aksidenteng mag-collapsed ang 5-storey scaffoldings na kanyang tinutuntungan at mahulog sa loob ng chimney tower ng pinagtatrabahuang power plant kasama ng iba pang trabahante.
Kinilala ang nasawing OFW na si Dante Galang, 45, tubong Pampanga, isang steel fixer ng SARCO (SCECO West) Shuaiba Power Plant sa Archidoron, P.O. Box 1714 Jeddah, Saudi Arabia.
Sa report ng Philippine Consulate sa Saudi, sinabi ni Lita Balagtas ng OWWA na gumuho ang steel scaffoldings ng gusaling ginagawa ni Galang kasama ang isa pang Filipino at ibang foreign workers.
Nadaganan ang mga trabahador ng bakal ng bumagsak ito mula sa pinagkakahinangan.
Kasalukuyang hinihintay ang official report buhat sa Saudi upang ma-identify ang isa pang namatay na Pinoy.
Sinabi naman ni Balagtas na nagsasagawa ang OWWA at DOLE ng kaukulang hakbang para sa madaliang repatriation ng mga nasawing contract worker.
Samantala, sinabi ni OWWA chief Wilhelm Soriano na magpapalabas ng pondo ang ahensiya para sa mga naulila ng mga biktima. Pagkakalooban din ng full benefits ang naiwang pamilya ng mga ito. (Ulat nina Butch Quejada/Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest