Ito ang binigyang diin ni Sen. Serge Osmeña matapos aminin ni Transco president Asascio Gonzaga sa isinagawang public hearing ng Senate committee on energy na kaya hindi nila mapayagan ang full dispatch ng independent power producers (IPPs) ng Meralco ay dahil na rin sa technical constraints ng kanilang mga pasilidad.
Sinabi ni Sen. Osmeña na matapos hikayatin ang paggamit ng mga environment-friendly natural gas mula sa Malampaya field para sa paglikha ng kuryente para makatipid mula sa pag-angkat ng fuel ay lumilitaw na ang mga gas-fueled power plant operators ay hindi gumagana ang kanilang mga transmission infrastructures.
Dahil dito, binatikos ni Osmeña ang Napocor dahil sa pagiging pabaya at mismanagement nito sa Transco dahil sa ilalim ng Electric Power Industry Restructuring Act of 2001 ay dapat ito ang mamahala at magpatakbo sa transmission facilities.
"The distribution company cannot gain IPPs if these wont go through the transmission of Napocor. Napocor told us they have transmission constraint and this means the corporation cannot operate all its plants at very efficient levels and facilities (such as cables) are not available so stations could deliver to Meralco," ani Rafael Andrada, Meralco treasurer.
Hinikayat naman ni Sen. Edgardo Angara ang Napocor na isara na lamang nito ang mga "low performing, inefficient, expensive at non-environmental friendly" na planta nito para magkaroon ng full dispatch ang 2 IPPs ng Meralco na magpapababa naman sa presyo ng kuryente sa mga consumers. (Ulat ni Rudy Andal)