Alok ng Sayyaf: P.3-M sa sasapi
June 18, 2002 | 12:00am
Matapos dumanas ng sunud-sunod na dagok sa pagkalagas ng malaking bilang ng armadong puwersa sa pakikipagsagupa sa tropa ng militar, aktibo na naman ang recruitment ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa mga lugar na pinamumugaran ng bandidong grupo sa Mindanao at tumataginting na P300,000 ang kanilang ginagamit na panghikayat sa mga bagong sasapi sa kanilang grupo.
Base sa intelligence report na nakalap ng militar, habang mistulang mga dagang tinutugis ng mga elemento ng Task Force Comet sa ilalim ng pamumuno ni Major Gen. Glicerio Sua ang grupo ng Abu Sayyaf ay kumikilos naman ang iba pang mga sub-commanders ng mga bandido sa pagre-recruit ng mga bagong kasapi ng kanilang kilusan.
Ayon sa military source sa AFP-Southcom, inaalok umano ng halagang P300,000 ang mga kabataang lalaki bilang buwanang suweldo upang maakit ang mga ito na umanib sa ASG.
Pinaniniwalaan namang ang mga mare-recruit ng ASG ang isasabak sa tumutugis na puwersa ng gobyerno.
Napag-alaman pa na bahagi umano ng $300M ransom na ibinayad ng pamilya ni Martin Burnham sa ASG kapalit ng nabulilyasong paglaya nito ang ginagamit na pera ng ASG upang manghikayat ng bagong sasapi sa kanilang grupo.
Partikular na nagsasagawa ng recruitment ay ang mga sub-commanders ng ASG sa Basilan, Sulu at Zamboanga Peninsula.
Sinasabing sina Sabaya umano ay nagbalatkayo na kunway mga babae at humahalo sa mga sibilyan upang matakasan ang tumutugis na puwersa ng militar.
Partikular na ginagawa umano ito nina Sabaya sa tuwing bumababa sa kapatagan para magdelihensiya ng makakain.
Sa isang phone interview, sinabi naman ni Cris Puno, spokesman ng Basilan provincial government na malaki ang posibilidad na magrecruit na muli ng puwersa ang ASG ngayong kokonti na lamamg ang bilang ng mga ito.
Sa kasalukuyan umano ay magkakasama sina ASG chieftain Khadaffy Janjalani at ang magkapatid na sina ASG commanders Isnilon Hapilon at Bakal Hapilon, samantala si Sabaya ay kasama naman umano si ASG commander Hamsiraji Sali. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 8 hours ago
By Doris Franche-Borja | 8 hours ago
By Ludy Bermudo | 8 hours ago
Recommended