Presidente Arroyo magsasayaw ng Ifugao dance
June 17, 2002 | 12:00am
Ipamamalas ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang kahusayan sa pagsasayaw ng katutubong indak sa pagbisita niya bukas sa Lagawe,Ifugao.
Si Arroyo na nakasuot ng katutubong damit ng mga Ifugao ay magsasayaw kasama ang mga lokal na opisyal ng lalawigan.
Hindi na bago sa Presidente ang pagsasayaw sa publiko dahil noong panahon ng kampanya ay naagaw niya ang atensiyon ng mga botante sa pagsayaw ng mga modernong sayaw kapareha ang kanyang asawa.
Ngayong umaga si Arroyo ay magtatalumpati sa Iloilo City sa okasyon ng Sangguniang Kabataan National Congress sa University of San Agustin at maggagawad din ng parangal sa mga huwarang lingkod ng bayan.
Ang serye ng pagdalaw ng Pangulo sa ibat-ibang lalawigan ay upang ilapit nito ang gobyerno sa mamamayan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest