Malacañang tahimik sa Angara-Legarda 2004
June 17, 2002 | 12:00am
Walang masabi ang Malacañang sa napabalitang magiging tambalan nina Senators Edgardo Angara at Loren Legarda Leviste sa darating presidential elections sa 2004.
Sinabi ni Acting Press Secretary Silvestre Afable na isa lamang espekulasyon ang nasabing balita kayat wala itong maibibigay na reaksyon.
Dahil sa nagpahayag na umano si Legarda na hindi pa ito nag-iisip ng pulitika sa panahong ito.
Ayon naman sa isang impormante sa senado na walang balak lumipat sa oposisyon si Legarda para lang maging running mate ni Angara na hindi naman winnable.
Minsan na itong inilampaso ni Presidente Arroyo nang magharap sila sa vice-presidential seat noong 1998 elections.
Ang napabalitang tambalang Angara-Legarda ay pinalulutang lamang umano ng kampo ng una para kunin siyang running mate ni Presidente Arroyo. (Ulat nina Lilia Tolentino/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest