Nanawagan kahapon si Pasay City Rep. Connie Dy sa lahat ng sektor na tigilan na ang pagbabato ng sisi sa Pasay City police force kaugnay ng nangyaring hostage-taking incident dahil hindi anya ito nakatutulong upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lunsod.
Masyado na anyang demoralisado ang mga pulis, lalo na yaong mga hindi naman direktang sangkot sa insidente, na umaabot sa puntong naaapektuhan na ang kanilang trabaho.
Kung hindi umano titigilan ang pagbatikos sa mga pulis-Pasay malamang na maapektuhan ang pagmamantina ng peace and order sa naturang lungsod.
Sa kabila nito, pabor si Dy sa naging hakbangin ni NCRPO director Gen. Edgardo Aglipay na magpatupad ng re-training sa 341 pulis-Pasay.
Ngunit hiniling nito na gawin ang re-training "by batches" upang hindi maapektuhan ang pangkalahatang operasyon ng pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)