Ang pahayag ay tugon ng Palasyo sa ulat na muling magpapadala ng misyonaryo ang grupo ni Burnham na naglalayong ituloy ang nasimulan ni Martin sa Mindanao.
Ayon kay acting Press Secretary Silvestre Afable, mas makabubuting pagpaliban muna ng New Tribes Missions ang pagpapadala ng misyonaryo sa Mindanao at hintayin muna na matapos ang operasyon ng militar laban sa Abu Sayyaf.
Ipinaliwanag ng Palasyo na hindi pa angkop na magkaroon ng religious activities sa mga lugar na maaaring puntahan ng bandidong grupo.
Binanggit pa ng kalihim na baka matiyempuhan ng Abu ang sinumang dayuhang misyonaryo at maaaring danasin ang pagiging bihag na sinapit ng mga Burnham. (Ulat ni Ely Saludar)