MILF naghahanda sa giyera
June 14, 2002 | 12:00am
Bagaman lumagda sa isang usapang pangkapayapaan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), naghahanda naman ito ngayon sa giyera at patuloy na nagpapalakas ng puwersa.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, chairman ng House committee on foreign relations, patuloy ang ginagawang pagsasanay ng nasa 50,000 miyembro ng MILF sa isang hindi tinukoy na lugar sa Mindanao at gumagawa rin ang mga ito ng mahigit na 10,000 anti-tank rocket launchers.
Dapat aniyang pag-aralang mabuti ng gobyerno ang ginagawang pakikipag-usap sa MILF at ang plano umanong isama sa PNP ang mga kuwalipikadong miyembro ng nasabing grupo.
"How come then that the MILF is training some 50,000 men secretly in preparation for their return to Camp Abubakar and 48 other camps seized by the military two years ago?" tanong ni Lozada.
Mismong Malacañang umano ang dapat magpalabas ng statement kung ibabalik o hindi sa MILF ang mga naagaw na kampo ng mga tropa ng pamahalaan. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended