^

Bansa

'Hostage' psy-war lang ng Abu

-
Posibleng psy-war lang ng Abu Sayyaf ang ikinalat na balitang mayroon silang hawak na bagong hostage upang lansihin ang militar para hindi sila puruhan sa ginagawang pagtugis ng mga sundalo.

Sa panayam kahapon kay outgoing PNP chief director Gen. Leandro Mendoza, sinabi nitong patuloy pa rin nilang bineberipika ang ulat hinggil sa panibagong kidnapping.

Aminado si Mendoza na talagang may namataan ang kanilang mga asset na may kasama umanong mga sibilyan ang grupo ng tinutugis na si ASG spokesman Abu Sabaya matapos na mapagawi ang mga ito kamakalawa sa bahagi ng Panubigan sa Zamboanga Peninsula lulan ng pumboat.

"Pinapa-verify pa natin kasi may nakita yung mga informer ng police natin na may mga dalang civilians yung grupo ng ASG na walang mga armas. This is still being confirmed," ani Mendoza sa mediamen.

Gayunman, ayon kay Mendoza, base sa natanggap niyang report ay mga lokal na mangingisda lamang at hindi mga banyaga ang tangay na sibilyan ng mga bandido.

Naghihinala rin ang opisyal na posible umanong mga guide lamang na sibilyan ang namataang kasama ng tumatakas na mga Abu Sayyaf.

Magugunita na inihayag ni Julhambri Misuari, pinuno ng Misuari breakaway group ni dating ARMM Gov. Nur Misuari na may dalawa umanong bagong bihag ang grupo ni Sabaya. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

AMINADO

JOY CANTOS

JULHAMBRI MISUARI

LEANDRO MENDOZA

MENDOZA

NUR MISUARI

ZAMBOANGA PENINSULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with