Sundalo walang pananagutan sa pagkamatay nina Martin at Ediborah
June 13, 2002 | 12:00am
Malabong makasuhan ang mga sundalong nakipaglaban sa mga Abu Sayyaf Group (ASG) kung sakaling mapatunayan man na sila ang nakapatay sa mga bihag na sina Martin Burnham at Ediborah Yap.
Tiniyak ni Justice Secretary Hernando Perez na walang pananagutan sa ilalim ng batas ang mga sundalo ng pamahalaan dahil lehitimong operasyon ang kanilang ginawa para saklolohan ang mga bihag.
Sinabi ni Perez na walang ibang dapat sisihin sa pagkamatay ng dalawang bihag kundi ang ASG dahil sa katwirang kung hindi dinukot ng mga ito ang nasabing hostages ay hindi masusuong sa panganib ang buhay ng mga ito.
Ang paglilinaw ay dahil sa ilang komento na posibleng ang mga sundalo ang nakapatay kina Martin at Ediborah makaraang maipit ang mga ito sa palitan ng putok ng militar at ASG.
Ani Perez, kahit pa sabihin ng isang ASG member na wala siyang planong sumama sa pagpatay sa kanilang mga bihag ay hindi pa rin ito makakalusot alinsunod sa itinatadhana ng batas.
Kahit pa kidnapping lamang ang intensiyon ng ASG ay dapat isipin ng mga ito na ang sinumang mamamatay na bihag ay pananagutan pa rin nila dahil sa sila ang nagpasimuno ng krimen. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended