^

Bansa

Ospital ipapangalan kay Ediborah

-
Naghahanap na si Pangulong Arroyo ng isang ospital na ipapangalan sa namatay na Abu Sayyaf hostage na si Ediborah Yap bilang pagbibigay alaala at magsilbing modelo ng isang Filipina nurse.

Ang planong ito ng Pangulo ay kanyang inihayag matapos dumalaw sa burol ni Yap sa Basilan upang minsan pang makiramay sa pamilya ni Ediborah.

Pinuri ng Presidente ang katapangan at lakas ng loob ni Ediborah habang nasa kamay ng Abu Sayyaf sa loob mahigit isang taon.

Kasabay nito, namahagi rin ang Pangulo ng mga tseke para sa mga pangkabuhayan at proyekto sa Basilan bukod pa sa tulong sa may 93 GMA scholars sa limang bayan sa Basilan.

Namahagi din ang Pangulo ng Philhealth insurance cards at tseke mula sa Department of Agriculture para sa agri-modernization program sa naturang lalawigan.

Samantala, binigyan ng Pangulo ng tulong pinansiyal ang 11 sundalo na nasugatan sa pakikipaglaban sa Abu Sayyaf.

Aabot sa tig-P50,000 ang ipinagkaloob bilang pagkilala sa sakripisyo nito upang laban ang mga bandido at proteksiyunan ang taumbayan. (Ulat ni Ely Saludar)

AABOT

ABU SAYYAF

BASILAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EDIBORAH

EDIBORAH YAP

ELY SALUDAR

FILIPINA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with