'Golden rice' pampalinaw ng mata
June 11, 2002 | 12:00am
Maiiwasan na ang pagkabulag sa mga Filipino sa sandaling dumating sa bansa ang tinaguriang "golden rice" na mayaman sa Vitamin A na magmumula sa Switzerland.
Sinabi ni Sen. Manny Villar, bukod sa nagtataglay ng Vitamin A ay mayroon din itong beta carotene at iba pang carotenoids na mahalagang sangkap para sa malinaw na paningin.
Batay sa sample na hawak ngayon ng International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna inaalam ngayon ng mga researcher ang kaligtasan nito at epekto sa paglaban sa kakulangan ng Vitamin A ng mga Pinoy.
Inimbento ang golden rice ng mga researcher ng Institute of Plant Sciences ng Switzerland Federal Institute of Technology sa pamamagitan ng dalawang lahi ng daffodil at isang lahi ng bacterium na ipinasok sa binhi ng palay. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest