Balikbayan boxes ginagamit ng garment smugglers
June 10, 2002 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Senador Loren Legarda-Leviste sa Bureau of Customs na mahigpit na ipatupad ang crack down nito sa mga garment smugglers na ginagamit ang mga Balikbayan boxes upang magpuslit ng mga kontrabando.
Ipinabatid kay Sen. Legarda ng Philippine Textile makers na naging maluwag ang gobyerno kaya nakakalusot ang mga sindikato na nagpupuslit ng mga signature garments particular ang nagmumula sa Hong Kong dahil sa paggamit ng mga ito ng balikbayan boxes.
We believe there is still room for the authorities to conduct tighter surveillance on the entry of balikbayan boxes without impairing the use of such privilege by returning overseas Filipinos, wika ni Legarda.
Idinagdag pa ng mambabatas, hiniling na rin ng Federation of Philippine Textile Industries sa pamahalaan partikular sa BoC na maging mahigpit ito sa pagpasok ng mga balikbayan boxes dahil na rin sa ito ang ginagamit ng mga sindikato sa pagpapasok ng kanilang mga kontrabando.
Wika pa ni Legarda, kapag naging maluwag ang gobyerno hinggil dito ay posibleng bumagsak ang lokal na industriya natin ng textile. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended