Di lang iyan ang magaganap na pagbabago, ayon kay Transportation and Communications Secretary Pantaleon Bebot Alvarez, mula sa halagang P200 ay ibababa na rin sa P100 ang value sa SVTs na puwedeng mabili.
Ayon sa DOTC, napakapopular na ngayon ng mass rail transits tulad ng MRT at Light Rail dahil bukod sa mababa ang pasahe sa mga ito ay di ito apektado ng mabagal na usad ng trapiko sa mga lansangan.
Niliwanag rin ni EDSA MRT-3 general manager Mario Miranda na ni isang kusing ay walang ginasta ang gobyerno sa pagpapalit ng SVTs dahil ang mga bagong ticket ay sinagot ng AAMES Group of Companies, sa ilalim ng kasunduan na magkakaroon ng advertisement ang AAMES sa nasabing tickets.
Ayon kay Miranda, walang exclusive contract ang AAMES sa MRT kung kayat puwede ring gayahin ng ibang kumpanya ang sponsorship nito ng MRT tickets. (Ulat ni Danilo Garcia)