GMA pinagalitan sina Sto.Tomas at Soriano
June 8, 2002 | 12:00am
Binasag na ni Pangulong Arroyo ang kanyang katahimikan kaugnay ng bangayan sa pagitan ng mga labor officials at animoy mga batang pinagalitan sina Labor Secretary Patricia Sto. Tomas at OWWA Administrator Wilhelm Soriano sa kanilang awayan hinggil sa mga nawawalang pondo para sa mga overseas Filipino workers.
Sinamantala ng Pangulo ang pagsermon kina Sto. Tomas at Soriano matapos na pangunahan nito ang pagdiriwang ng Migrant Workers Day sa Malacañang. Pinatatahimik ng Pangulo sina Soriano at Sto. Tomas at dapat aniyang umiwas sa mga personal na alitan dahil ang naapektuhan dito ay ang kanilang pagseserbisyo sa mga OFWs. Mas makabubuti umanong hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang responsable sa pagkawala ng P1.2 bilyon. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 14 hours ago
By Doris Franche-Borja | 14 hours ago
By Ludy Bermudo | 14 hours ago
Recommended