SC ruling sa Senate crisis hirit

Nakahanda si Senator Blas Ople na dalhin na sa Korte Suprema ang nangyayaring krisis sa liderato ng Senado para resolbahin na ito sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Sen. Ople na inatasan na niya ang kanyang legal staff upang ihanda ang petisyon sa Supreme Court na hihiling para tapusin ang umano’y circus sa Mataas na Kapulungan.

Wika pa ng senador, ang pagresolba sa constitutional issue at questions of laws ay magsisiguro upang maging normal muli ang kalakaran dito bago pa man sumapit ang pagbubukas ng 2nd regular session ng Kongreso sa July 22. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments