Star columnist Art Borjal pumanaw na

Sumakabilang buhay na kahapon ang sikat na STAR columnist na si Atty. Art Borjal sa sakit na lung cancer. Siya ay 64 anyos.

Naulila niya ang kanyang mga kapatid na sina Stella B. Cerdenia, Febe B. Cutshaw, Amelia B. Singson, Linda B. Belle at Lilia B. dela Pena at mga pamangkin.

Ang kanyang labi ay nakahimlay sa Mt. Carmel Shrine sa New Manila sa Quezon City at wala pang petsa ng libing.

Si Borjal ay isa sa founder ng Philippine Star. Kabilang sa kanyang huling habilin ay sa halip na mga bulaklak ay ibigay na lamang ang mga donasyon sa Good Samaritan Foundation for the Disadvantaged Inc. na nasa Unit 1-J, RM Commercial Arcade, 80 Ramon Magsaysay Boulevard, Quezon City.

Show comments