Pati sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay nagsusulputan na rin ito matapos tawaging "martilyo gang" kamakalawa ni House Majority Leader Neptali Gonzales ang grupo ng minority dahil sa paggamit ng totoong martilyo bilang gavel ni Minority Leader Carlos Padilla sa kanilang sesyon sa labas ng plenary hall.
Kahapon ay tinawag naman ni Mandaluyong Rep. Ronaldo Zamora, kasapi ng minorya, na "kadena gang" ang grupo ng mayorya.
Pinatutungkulan ni Zamora ang ginawang pagkandado sa plenary hall matapos i-adjourned ni Deputy Speaker Raul Gonzales noong Martes ang sesyon ng Kamara.
Tinutulan ng minority group ang ginawang hakbang ng liderato ng Kamara dahil bukas pa umano dapat opisyal na nagtapos ang sesyon subalit tinapos agad ito noong Martes. (Ulat ni Malou Escudero)