India-Pakistan evacuation tsansa ng OWWA na magpakitang gilas
June 5, 2002 | 12:00am
Hinikayat kahapon ni Sen. Loren Legarda ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pangunahan ang posibleng repatriation ng overseas Filipino workers na maaaring maipit sa gulo sa pagitan ng nuclear powers na India at Pakistan.
Sinabi ni Legarda na dapat patunayan ng OWWA na di lang pagyayabang ang sinabi ng hepe nitong si Wilhelm Soriano na kung kakailanganin ay kaya nitong magsagawa ng maramihang repatriation tulad noong nangyari noong panahon ng Gulf War.
Matatandaan na noong isang buwan ay binatikos ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas ang OWWA, partikular si Soriano, dahil umano sa mismanagement ng ahensiya sa kontribusyon ng mga OFWs.
Pinuna ni Sto. Tomas ang paggamit ng OWWA ng mahigit 70 porsyento ng pondo nito para sa operational expenses at 22 porsiyento lang para sa mga manggagawa.
"The Department of Foreign Affairs (DFA) has already issued a travel ban on the two countries, and the Philippine Embassy in India had asked Filipino workers and businessmen there to evacuate before the conflict escalates."
"Now is the time for OWWA to prove its claims that it has ample standby funds to repatriate Filipinos who could be caught in the middle of the brewing war between India and Pakistan," ani Legarda. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest