Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada,chairman ng House Committee on Foreign Relations,dapat isabay sa pagbuwag ng Sangguniang Kabataan (SK) ang pagbuwag sa CAT.
Dapat umanong bigyan ng mas malaking panahon ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral kaysa maging isang political unit ng gobyerno at militarisasyon sa maagang edad.
Idinagdag pa nito na mas makakabuting bigyan ng pansin ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) o Girl Scouts of the Philippines (GSP), community service o activities ,value formation at human relations ang ituro sa kabataan.
Mas nararapat din umanong pagtuunan ng pansin ng mga kabataan ang mga sports activities tulad ng archery, taekwondo, basketball, volleyball, swimming at track and field upang maaga itong masanay sa international competitions.
Matuturuan din ang mga kabataan na maging maingat sa kanilang kapaligiran kung mapagtutuunan din ng pansin ang environment subjects o pagsali sa mga medical and dental mission sa mahihirap na lugar at care giving sorties sa mga matatanda, street children at ulila.
"Maraming dapat malaman at matutuhan ang ating mga kabataan sa maagang edad para lalo silang maging "tao" at produktibong sibilyan ng bansa, pagtatapos ni Lozada. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)