^

Bansa

CAT buwagin na rin !

-
Matapos na mabuwag kamakailan ang Reserve Officers Training Course (ROTC), nagpanukala ang isang mambabatas sa pagbuwag ng Citizens Army Training (CAT) sa lahat ng pampubliko at pribadong high schools sa bansa.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada,chairman ng House Committee on Foreign Relations,dapat isabay sa pagbuwag ng Sangguniang Kabataan (SK) ang pagbuwag sa CAT.

Dapat umanong bigyan ng mas malaking panahon ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral kaysa maging isang political unit ng gobyerno at militarisasyon sa maagang edad.

Idinagdag pa nito na mas makakabuting bigyan ng pansin ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) o Girl Scouts of the Philippines (GSP), community service o activities ,value formation at human relations ang ituro sa kabataan.

Mas nararapat din umanong pagtuunan ng pansin ng mga kabataan ang mga sports activities tulad ng archery, taekwondo, basketball, volleyball, swimming at track and field upang maaga itong masanay sa international competitions.

Matuturuan din ang mga kabataan na maging maingat sa kanilang kapaligiran kung mapagtutuunan din ng pansin ang environment subjects o pagsali sa mga medical and dental mission sa mahihirap na lugar at care giving sorties sa mga matatanda, street children at ulila.

"Maraming dapat malaman at matutuhan ang ating mga kabataan sa maagang edad para lalo silang maging "tao" at produktibong sibilyan ng bansa, pagtatapos ni Lozada. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

APOLINARIO LOZADA

BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES

CITIZENS ARMY TRAINING

FOREIGN RELATIONS

GIRL SCOUTS OF THE PHILIPPINES

HOUSE COMMITTEE

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NEGROS OCCIDENTAL REP

RESERVE OFFICERS TRAINING COURSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with