Ang bagay na ito ay batay sa isinagawa nilang malalimang pag-aaral hinggil sa paglaganap ng mga ipinagbabawal na gamot sa mga kabataan partikular sa mga paaralan.
Dahil pasukan na, hinikayat ng Drug Check ang pamunuan ng PNP at Department of Education na patindihin ang police visibility sa mga campuses dahil ito ang pangunahing target ng mga potential drug pusher para sa modus operandi sa illegal drugs.
Hiniling din ng naturang kumpanya na magpatupad ng isang comprehensive program ang nabanggit na mga ahensiya ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng droga sa mga paaralan.
Ang DepEd at Department of Health din umano ay maaaring magpatupad ng isang educational program para mabigyan ng higit na kaalaman ang mga kabataang mag-aaral para maimulat kung ano ang epektong idudulot sa kanila ng bawal na gamot sa kanilang kalusugan at kinabukasan at kung paano ito maiiwasan.