^

Bansa

P100 halaga ng shabu naibebenta sa mga mag-aaral kada minuto

-
Ibinunyag kahapon ng Drug Check Philippines, Inc., ang nangunguna at pinakamalaking drug testing center nationwide, na umaabot sa halagang P100 ng shabu o halagang sampung piso ng marijuana ang naibebenta ng sindikato sa bawat kabataan laluna sa mga mag-aaral kada minuto.

Ang bagay na ito ay batay sa isinagawa nilang malalimang pag-aaral hinggil sa paglaganap ng mga ipinagbabawal na gamot sa mga kabataan partikular sa mga paaralan.

Dahil pasukan na, hinikayat ng Drug Check ang pamunuan ng PNP at Department of Education na patindihin ang police visibility sa mga campuses dahil ito ang pangunahing target ng mga potential drug pusher para sa modus operandi sa illegal drugs.

Hiniling din ng naturang kumpanya na magpatupad ng isang comprehensive program ang nabanggit na mga ahensiya ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng droga sa mga paaralan.

Ang DepEd at Department of Health din umano ay maaaring magpatupad ng isang educational program para mabigyan ng higit na kaalaman ang mga kabataang mag-aaral para maimulat kung ano ang epektong idudulot sa kanila ng bawal na gamot sa kanilang kalusugan at kinabukasan at kung paano ito maiiwasan.

AARAL

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUG

DRUG CHECK

DRUG CHECK PHILIPPINES

HINILING

IBINUNYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with