^

Bansa

Makapagbibigay ng gutay-gutay na watawat ng Pilipinas may pabuya

-
Magkakaloob ng pabuya ang Senado sa sinumang makapagsusumbong ng sira-sirang watawat ng Pilipinas na napapabayaan o maling paggamit dito dahil isang paglapastangan ito sa ating bandila.

Sinabi ni Senator Blas Ople, hinahandugan natin ang ating bandila ng tamang respeto at paggalang kung saan ang mga sirang watawat ay dapat isinasaayos o kaya naman ay pinapalitan ng bago.

Aniya, dapat ipabatid sa kanyang tanggapan sa Senado sa telepono 552-6791 o sa National Historical Institute ang anumang pagyurak at maling paggamit sa ating bandila kung saan ay magbibigay siya ng P500 sa bawat madadalang sirang watawat pero ang impormasyon dito ay dapat beripikado na nasira o napabayaan at hindi basta sinira para lamang makakakuha sila ng pabuya.

Sabi pa ni Ople, hindi lamang isang simbolo ang ating bandila kundi ito ay nagpapatunay ng pagkakaisang bansa kung saan ay binibigyan tayo ng ating pagkakakilanlan kaya marapat lamang irespeto ito ng kanyang mga mamamayan. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

MAGKAKALOOB

NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE

OPLE

PILIPINAS

RUDY ANDAL

SABI

SENADO

SENATOR BLAS OPLE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with