PAL balak bilhin uli ni GMA
May 31, 2002 | 12:00am
Plano ni Pangulong Arroyo na bilhin uli ng gobyerno ang Philippine Airlines mula sa negosyanteng si Lucio Tan, kasabay ng pahayag na ang pagbawi ng gobyerno sa PAL ang magiging daan para mapalakas ang turismo at ekonomiya.
Sa kanyang talumpati sa pulong ng Asean Free Trade Area (AFTA) sa Manila Peninsula Hotel sa Makati kahapon, hiningi ng Pangulo ang payo ng mga negosyanteng dumalo sa pulong kung ang ideya ng pagbawi ng PAL ay makatutulong ng malaki sa isinusulong na pag-unlad ng turismo ng bansa.
Ang PAL ay dating nasa ilalim ng kontrol ng pamahalaan subalit naibenta kay Tan noong panahon ni dating Pangulong Ramos.
Ayon naman kay Sen. Joker Arroyo, panibagong sakit ng ulo lamang ang papasanin ng gobyerno sa sandaling muling kunin nito ang pamamahala sa PAL matapos na isapribado ito. Sinabi ni Aroyo, kumokontra din ito sa programa ng pamahalaan kung saan ay isinasapribado ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) tulad ng Napocor.
Idinagdag pa ni Arroyo, sa sandaling kunin ulit ang PAL ay papasanin din ng gobyerno ang mga liabilities nito kaya nangangahulugan ito ng karagdagang problema kaysa ginhawa na babalikatin ng gobyerno. (Ulat nina Lilia Tolentino/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am