Malacañang nagtampo sa US Embassy
May 31, 2002 | 12:00am
Nagpahiwatig ng pagtatampo ang Malacañang sa paraan ng paghahayag sa publiko ng US Embassy patungkol sa pagbibigay ng $5 milyong cash reward. Bagaman hindi itinuturing ng Palasyo na breach of protocol ang ginawa ng US Embassy at ang hakbang ay coordinated bago pa man ihayag sa media, sinabi ni acting Press Secretary Silvestre Afable na mas maigi kung may inimbitahan na kinatawan ng Pilipinas kahit mula sa law enforcement agency. Hindi anya maaaring unilateral o solohin ng US ang operasyon kaya obligado itong makipag-ugnayan sa Pilipinas patungkol sa usapin sa Abu Sayyaf.
Samantala, pagpapakita umano ng kawalan ng tiwala sa gobyerno ng Pilipinas ang ginawang pagbibigay ng reward ng US government. Sinabi ni Sen. Ramon Magsaysay, chairman ng Senate committee on national defense and security, isang malaking kahihiyan ito para sa ating bansa dahil lumilitaw na kaya nagbibigay ng reward ang US ay dahil sa wala itong nakikitang pag-asa sa ating gobyerno para maresolba ang suliranin sa ASG.
Wika naman ni Sen. Robert Barbers, walang masama sa inialok ng US kung ito ang makakatulong para sa madaling pagkakaaresto sa mga ASG leaders. (Ulat nina Ely Saludar/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest