P12.34-B kinolekta ng Meralco ibalik!
May 30, 2002 | 12:00am
Pinababalik ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Meralco ang P12.34 bilyong purchased power adjustment (PPA) na kinolekta nito sa mamamayan simula noong Setyembre hanggang Disyembre 2001.
Ayon kay Elmer Labog, secretary general ng KMU, ngayon ang tamang panahon para i-refund ng Meralco sa kanilang customers ang P12.3 bilyon na kinolekta sa pamamagitan ng PPA.
Tuluyan na umanong nawala ang tiwala ng taumbayan sa Meralco matapos mabisto ang diumanoy panloloko nito sa pamamagitan ng overcharging sa singil ng electric bill.
Sa kabila anya nang nabunyag na PPA ay nais pa ng Meralco na magtaas sa singil ng kuryente.
Kaugnay nito, sinabi ni Labog na hanggat hindi tuluyang inaalis ang PPA ay patuloy na magsasagawa ng kilos-protesta ang mga mamamayan upang ipakita ang pagtutol dito.
Sa Hunyo 5, magsasama-sama aniya ang lahat ng manggagawa at mahihirap sa isang "nationwide peoples protest" laban sa PPA at sa mataas na electric rates. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended