^

Bansa

Ping, dapat kang managot - GMA

-
Hindi umano ginigipit ni Pangulong Arroyo si opposition Sen. Panfilo Lacson at tungkulin ng gobyerno na usigin ang mga taong nakagawa ng pagkakasala.

Ito ang binigyang diin ng Pangulo kasunod ng mga akusasyon ng kanyang kritiko na ang muling pagbuhay sa kasong Kuratong Baleleng laban kay Lacson ay may motibong pulitika at bahagi umano ng demolition job dahil si Lacson ay siya umanong malakas na karibal ni Arroyo sa halalang pampanguluhan sa taong 2004.

"Hindi ito persecution. Ito ay prosecution. Tungkulin ng pamahalaan na mag-prosecute," pahayag ng Pangulo.

Kamakalawa, inatasan ng Korte Surpema ang QC Regional Trial Court na rebisahin ang naunang desisyon nito na nagpawalang-saysay sa kasong murder na isinampa laban kay Lacson at iba pang kasamahang pulis kaugnay ng umano’y pagpaslang sa mga 11 miyembro ng Kuratong.

Tiniyak naman kahapon ng Department of Justice (DOJ) na kikilos na ito para isulong ang muling pagbuhay sa kasong multiple murder ni Lacson.

Ayon kay DOJ State Prosecutor Peter Ong, inihahanda na nila ang kanilang mga testigo para idiin si Lacson sa Kuratong na sina Sr. Insp. Abelardo Ramos, Insp. Ysmael Yu, SPO1 Noel Zeno, SPO1 Wilmore Medes at special agent Mario Enad.

Nilinaw pa rin ni Ong na hihilingin nila sa hukuman na payagan na mai-raffle ang Kuratong sa ibang hukom upang matiyak na magiging parehas ang paglilitis.

Tahasan namang sinabi ni QC RTC Judge Ma. Theresa Yadao na handa siyang muling hawakan ang kaso ng Kuratong na kinasasangkutan ni Lacson.

Ayon kay Yadao, titiyakin niya na hindi siya magpapaimpluwensiya kaninuman habang nasa kanyang sala ang Kuratong.

Titiyakin din niya na walang whitewash na mangyayari sa kaso sa sandaling simulan ang pagdinig.

Wala ring mangyayaring marathon hearing upang mapag-aralang mabuti ang gagawing presentasyon ng mga witness.

Una nang iginit ni Atty. Sigfrid Fortun, abugado ni Lacson na hindi magkakaroon ng raffle sa kaso. Si Yadao ay kilala ring iniluklok sa QCRTC ng kaibigan ni Lacson na si dating Pangulong Estrada. (Ulat nina Lilia Tolentino/Grace Amargo at Doris Franche)

ABELARDO RAMOS

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DORIS FRANCHE

GRACE AMARGO

JUDGE MA

KORTE SURPEMA

KURATONG

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with