Kano sumabak na sa Abu
May 30, 2002 | 12:00am
Dalawang US Pave Hawk helicopters ang nakipagpalitan umano ng putok sa nga bandidong Abu Sayyaf bilang ganti sa pamamaril ng mga bandido sa dalawang US Chinook helicopters na nagpapartisipa sa idinaraos na Balikatan RP-US joint military exercises sa Basilan.
Base sa military report na nakalap mula sa Mindanao, ang US Chinooks ay kasalukuyang lumilipad may isang daang talampakan ang taas mula sa kagubatan ng Barangay Buhi Tambis sa bayan ng Tuburan ng puntiryahin ng pamamaril ng mga suspek.
Napag-alaman na may 10 armadong bandido sa pamumuno ng isang alyas Lidjuman ang namaril umano sa mga helicopter bandang alas-9:45 noong Lunes ng gabi bagamat hindi kaagad ito naiulat sa media.
Si Ludjuman, batay sa report ng AFP Southern Command ay dating bodyguard ni Tuburan Mayor Dorie Kalahal, isang pinaghihinalaang coddler ng mga bandido.
Nitong nakalipas na buwan ang bahay mismo ni Kalahal na residente ng Lantawan ay sinalakay ng mga tropa ng pamahalaan subalit nabigong malambat sa dragnet operations si ASG spokesman Aldam Tilao alyas Abu Sabaya at mga armado nitong tauhan.
Nabatid pa na umatras ang mga armadong kalalakihan ng paputukan sila ng isa sa mga pinuntiryang helicopter habang nagdi-dispatch naman ng kanilang mga tauhan ang tropa ng 18th Infantry Batallion ng Phil. Army.
Kinumpirma naman ni Col. Alexander Aleo, commander ng Armys 103rd Brigade ang nangyaring pamamaril sa helicopters ng US bagaman hindi naman umano nagtamo ng pinsala ang nasabing mga modernong sasakyang panghimpapawid.
Gayunman, pinabulaanan naman Ni AFP PIO chief, Lt. Col. Jose Mabanta ang pahayag ni Aleo sa pagsasabing imposibleng maganap ito at malamang ang live fire ay bahagi lamang ng exercises scenario. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest