^

Bansa

US$5-M sa ulo nang 5 Abu leaders alok ng US gov't

-
Bilang bahagi ng kampanya laban sa terorismo, nag-alok na kahapon ang pamahalaang America nang $5-million cash rewards sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo para sa ikadarakip ng limang notoryus na lider ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa isang press conference sa US Embassy kahapon, inihayag ni US Ambassador to the Philippines Francis Ricciardone na $5M ang kanilang inilaang counter terrorism rewards para sa mabilis na pagkakahuli sa mga lider ng Abu Sayyaf na pinangungunahan nina Amir Khadafi Abubaker Janjalani, alyas Abu Muktar; Aldam Tilao, alyas Abu Sabaya; Hamsiraji Sali, alyas Jose Ramirez; Jainal Antel Sali Jr. alyas Abu Solaiman, at Isnilon Totoni Hapilon, alyas Abu Musab.

Ayon kay Ricciardone, ang limang ASG leaders ang responsable sa pagdukot sa American missionary couple na sina Martin at Gracia Burnham at pagdukot at pagpugot naman kay Guillermo Sobero noong nakaraang taon. Responsable rin ang naturang mga Abu leader sa iba’t ibang kaso ng krimen sa bansa kabilang ang kidnapping at murder.

Pero sinabi ni Ricciardone na ang reward ay walang direktang kinalaman sa mga Burnhams at hindi rin resulta ng pagkainip ng US government sa kabiguan ng AFP na marescue ang mag-asawang misyonaryo.

"To encourage citizens to come forth and provide such information, the United States government is offering to pay up to five million dollars for information leading to the arrest or conviction of the five Abu Sayyaf terrorists," sabi ni Ricciardone.

Ang confidential information tungkol sa limang bandidong lider o sinumang tao na nakagawa ng international terrorism laban sa mamamayan ng Amerika o ari-arian nito ay maaari ring ipagbigay alam sa Embassy.

Ang bounty system ay bahagi ng "Rewards for Justice" program na inilunsad ng US.

Sa kasalukuyan, 23 katao na ang tumanggap ng rewards sa ilalim ng naturang programa, ang pinakamalaki ay nagkakahalaga ng $2 million.

Isa sa mga nakakuha ng pabuya ay isang "Asian caller" na nag-tip sa mga awtoridad tungkol sa planong pagbomba sa isang airport 48 oras bago ito isinagawa. Dahil sa naturang tawag ay daang buhay ang nailigtas.
Malacañang di naalarma
Malugod namang tinanggap ng Malacañang ang desisyon ng Estados Unidos na maglaan ng $5M na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mabilis na pagkakahuli ng mga matataas na pinuno ng bandidong Abu Sayyaf.

Sinabi ni acting Press Secretary Silvestre Afable na hindi magdudulot ng demoralisasyon sa AFP ang nasabing reward ng US.

Ayon kay Afable, normal lamang ang ganitong hakbang na paglalaan ng pabuya dahil ito ay bahagi ng kampanya laban sa terorismo.

Nilinaw ni Afable na hindi naman ito nangangahulugan na nawalan na ng tiwala ang US sa AFP upang madurog ang Abu Sayyaf at mailigtas ang mga bihag.

Sinabi pa ng US Embassy na ang mga teroristang Abu ay mga bayolenteng kriminal na dapat ay wakasan at madurog sa lalong madaling panahon.

ABU

ABU MUKTAR

ABU MUSAB

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ABU SOLAIMAN

RICCIARDONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with