Sinabi ng ERC, ang ipinapataw na PPA ay isang simpleng pamamaraan lamang upang mabawi ang mga pagtaas sa gastusin at ang formula na inaprubahan sa pagkuwenta ay ginawa para masigurong hindi ito magagamit bilang additional profit o income sa mga power distributors.
Ang cost adjustment mechanisms ay ang PPA, Fuel Cost Adjustment (FCA) at Currency Exchange Rate Adjustment (CERA). Sa ilalim ng PPA, dapat ay nakatala sa monthly billing ang itemized na component na binabayaran ng consumers mula sa generation, transmission, distribution at supply.
Ang FCA ay automatic adjustment para sa gastos sa produksiyon ng elektrisidad ng Napocor dahil na rin sa pabago-bagong presyo ng petrolyo, habang ang CERA ay ang automatic cost of recovery formula para sa ating foreign loans kung saan ay pabagu-bagong halaga ng ating piso kontra sa mga foreign currencies partikular ng US dollar. "The adjustment do not in anyway provide additional benefit to the utilities except as immediate means of recovering increases in principal ammortization," paliwanag pa ng ERC. (Ulat ni Rudy Andal)