^

Bansa

Mag-utol na madre gagawing Santa

-
Sinuportahan ni Senator Blas Ople ang nominasyon ng magkapatid na madre na kanyang kababayan mula sa lalawigan ng Bulacan upang maging kandidato sa pagiging Santa.

Sinabi ni Sen. Ople, nakatutuwa na dalawang Bulakeña na sina Mothers Dionisia at Cecilia Rosa Talangpaz ay kapwa kandidato sa pagiging Santa dahil sa naging dedikasyon ng mga ito ng itayo ang isang religious order na Augustinian Recollect Sisters noong 1700.

Hindi anya biro ang ginawang ito ng magkapatid na madre na may marangyang buhay sa kanilang lalawigan subalit pinili na paglingkuran ang mga mahihirap na kabataan para sila ay turuan saka itinayo ang nasabing kongregasyon sa Quiapo District noong 1700.

Naglingkod ang magkapatid na madre kay Virgin of Carmel matapos lisanin ang kanilang bayan ng Calumpit at pinayagan naman sila ni Fr. Diego San Jose, parish priest ng San Sebastian church, upang magtayo ng beaterio noong 1725.

Nakumpleto na ng Manila Archdiocese ang dokumentasyon para sa beatification ng magkapatid na madre.

Ang kauna-unahang naging Filipino saint ay si San Lorenzo Ruiz habang kasalukuyang inaayos din ang beatification ng Cebuano cathechist na si Pedro Calungsod na namatay noong 1672 sa Guam habang nominado din sa pagiging Santa si Mother Ignacia del Espiritu Santo na nagtatag naman ng Religious of Viry Mary congregation. (Rudy Andal)

AUGUSTINIAN RECOLLECT SISTERS

CECILIA ROSA TALANGPAZ

DIEGO SAN JOSE

ESPIRITU SANTO

MANILA ARCHDIOCESE

MOTHER IGNACIA

MOTHERS DIONISIA

PEDRO CALUNGSOD

QUIAPO DISTRICT

RELIGIOUS OF VIRY MARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with