Japan visit ni GMA tagumpay
May 24, 2002 | 12:00am
Babalik na ngayong hapon si Pangulong Arroyo mula sa 5-araw na matagumpay na biyahe mula sa Tokyo at Osaka, Japan.
Ang pagbisita ay nagresulta sa mas mahusay na pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya kabilang ang pangakong maglalagay pa ang Honda Motors Co. nang P770 milyong kapital para sa pagpapalawak pa ng operasyon nito sa bansa.
Positibo rin ang naging reaksiyon ng Honda at Toyota Motors Corp. sa panukala ng Pangulo na magkaroon sila ng produksiyon ng kumpletong behikulo sa bansa.
Nagkasundo ang Pangulo at Japanese Prime Minister Junichiro Koizumi sa kanilang pulong na magkaroon ng isang kasunduan sa pagtutulungang pangkabuhayan para ibayong mapalakas ang relasyong pang-ekonomiya ng dalawang bansa.
Kabilang sa panukala ng Pangulo ay ang pagsasanib ng Association of South East Asian Nations at China para sa pagtatatag ng pinakamalaking free trade area sa mundo.
Bago tuluyang bumalik sa Pilipinas ay hindi nalimutan ng Pangulo na makipagdayalogo sa mga Pinoy community sa Japan. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
23 hours ago
Recommended