Ramos inabsuwelto sa IPP contract
May 22, 2002 | 12:00am
Iginiit ni Justice Secretary Hernando Perez na hindi si dating Pangulong Ramos kundi si Napocor president Malicsi ang nagpatibay ng mga kontrata sa independent power plants na siyang sinisisi ngayon kung bakit binabalikat ng publiko ang PPA na nalulugi sa Napocor.
Ayon kay Perez, bagaman totoo ang mga kuwestiyon noon hinggil sa ipinapataw na PPA, walang maaaring panagutan ang gobyerno dahil ang kontrata sa IPP ay ginawa alinsunod sa emergency power na ipinagkaloob sa Pangulo ng Kongreso.
Sa isang panahong nahihirapan ang bansa dahil sa krisis sa kuryente, sinabi ni Perez na dahil sa hinihingi ng pagkakataon, ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest