^

Bansa

Automated finger print ID system magpapabilis sa paglutas ng krimen

-
Sa wakas malapit na ring maisakatuparan ang mabilisang pagresolba ng krimen sa bansa na bahagi ng modernisasyong matagal nang inaasam ng pambansang pulisya.

Ito’y matapos pasinayaan kahapon kasabay ng ika-57 taong paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP Crime Laboratory ang gusaling pagtatayuan ng kauna-unahang Automated Finger Print ID System na gagastusan ng mahigit P6.9M.

Sinabi ni PNP-crime laboratory director P/Chief Supt. Marlowe Pedregoza, tiwala siyang sa pamamagitan ng makabagong sistema ay mapapabilis ang pagresolba sa mga kasong kinakaharap ng pulisya dahil segundo lamang ang itatagal ng gagawing pagkukumpara sa dating manu-manong sistema na pinag-uukulan ng mahabang panahon bunsod upang tumagal ang paglutas sa krimen partikular na sa mga kontrobersyal na mga kasong kriminal.

"It’s very effective dahil mabilis ang comparison process. Aabutin lamang nang 5-10 seconds ang pagma-match at pag-verify sa mga finger prints na makukuha natin sa crime scene," pahayag ni Pedregoza.

Napag-alaman na ang multi-milyong proyekto na tatakbo ng 24-hour basis at may standby generator ay inaasahang makukumpleto bago matapos ang taong kasalukuyan kung saan ay isasailalim muna sa kaukulang pagsasanay ang mga tauhan ng ahensiyang mamamahala nito.

Ang mga makabagong automated finger print ID system machine ay manggagaling sa bansang Japan sa tulong ng Japan International Cooperative Agency (JICA).

Sinabi pa ni Pedregoza na ang proyekto ay sasakop sa buong bansa ngunit inisyal munang i-input ang mga kasalukuyang nasa data bank ng PNP habang idadagdag na lamang umano ang mga bagong aplikante na kumukuha ng police clearance.

Binigyang diin pa ng opisyal na magkakaroon ng maayos na koordinasyon ang PNP sa National Bureau of Investigation at wala siyang nakikitang magiging problema sa kanilang mga anti-criminal operations. (Joy Cantos)

AUTOMATED FINGER PRINT

CHIEF SUPT

CRIME LABORATORY

JAPAN INTERNATIONAL COOPERATIVE AGENCY

JOY CANTOS

MARLOWE PEDREGOZA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PEDREGOZA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with