Criminal arsenal ni-raid, 17 tiklo
May 21, 2002 | 12:00am
Nabigo ang plano ng hinihinalang criminal syndicates na magamit sa kanilang illegal na aktibidades ang matataas na kalibre ng armas at bultu-bultong mga bala matapos salakayin ng mga operatiba ng PNP ang isang arsenal ng high-powered weapons na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa 17 katao sa Quezon City.
Ang pagkakadiskubre sa nasabing imbakan ng armas ay nag-ugat mula sa naganap na shootout sa pagitan ng mga tauhan ng Central Police District at ilang armadong kalalakihan sa Bernardo compound, Barangay Pasong Tamo, Quezon City nitong nakaraang Sabado ng gabi.
Sa report ni CPD director C/Supt. Rodolfo Tor, agad sinalubong ng putok ang mga tauhan ng CPD station 3 sa pangunguna ni Supt. Benedicto Lopez ng matunton nila ang naturang compound.
Dahil sa nasabing palitan ng putok, agad nagpadala ng karagdagang pulis si Tor sa tulong ng ilang mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group.
Nang mapasok ng mga pulis ang nasabing compound, nadiskubre ng mga pulis ang ilang armas na kinabibilangan ng dalawang machine guns, isang garand rifle, tatlong shotgun, revolver, granada at bultu-bultong mga bala.
Hindi na nakapalag sa mga arresting officers ng pulisya ang 17 katao matapos ang mga itong masukol habang papatakas.
Kinilala ang mga suspek na sina Evans Mendoza, 18; Bern Dullungan, 22: Jeff Lambayong, 22; Johnny Caguiaue, 17; Dale Laulo, 24; Ronald Langag, Albert Aquino, 20; Allan Aquino, 20; Angelito Aquino, 22 at Diosdado Garcia, 39; Bando Garcia, 21; Sonny Maasin, 22; Ronnel Aquino, 19; Romeo Tales, 32; Bernardo Aquino, 59; Teresita Aquino, 48; at Roda Cabanes, 34, pawang mga tubong Kalinga at Pangasinan.
Sinampahan na ang 15 lalaking suspek ng kasong paglabag sa PD 1866 o illegal possession of firearms habang hindi naman isinama ang dalawang babaeng suspek dahil sa kawalan ng ebidensiya laban sa mga ito.
Patuloy ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon kung anong sindikato ang kinabibilangan ng mga suspek at kung saan gagamitin ng mga ito ang nasabing mga armas. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest