2 bagong testigo sa Kuratong lumutang
May 18, 2002 | 12:00am
Dalawang bagong star witness laban sa mga matataas na opisyal ng PNP na sangkot sa kontrobersiyal na Kuratong Baleleng rub-out case ang muling lumantad kahapon upang ipahayag ang kanilang determinasyon na ipursige ang kanilang pagtestigo sa kaso.
Sa isang press conference kahapon, sinabi ni P/Insp. Ricardo Ramos na handa silang ipaglaban ang kanilang nalalaman hinggil sa pagpatay sa 11 Kuratong bank robbery suspects sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Quezon City noong May 18, 1995.
Kasama ang isa pang PNP officer na si Insp. Ysmael Yu, sinabi ni Ramos na sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay ng kanyang pamilya sa loob ng safehouse ay hindi sila aatras sa kanilang pagtestigo sa 27 PNP officers na sangkot sa salvaging case.
Kabilang sa mga isinasangkot sa murder case sina dating PNP chief at ngayoy Sen. Panfilo Lacson, Gen. Romeo Acop, Gen. Jewel Canson, Gen. Francisco Zubia, atbp.
Sina Ramos at Yu ay kabilang sa anim na bagong testigo sa Kuratong rubout case sa bagong pagtatangka ng Department of Justice na buhayin muli ang kaso na kasalukuyang nasa kamay ng Korte Suprema.
Si Ramos ay tumatayong lider ng isang team ng Special Action Force na humuli sa walong Kuratong member sa Superville subd. sa Parañaque at kabilang din sa mga bumaril sa mga nakaposas na suspek habang sakay ng L-300 van sa kahabaan ng Commonwealth.
Si Yu naman ang siyang team leader ng isa pang grupo ng SAF na nagsilbing advance party sa pag-aresto sa mga Kuratong suspects bago tuluyang itinumba ang mga ito sa Commonwealth Ave.
Pinanindigan ng dalawa sa kanilang sworn affidavit na si Lacson ang nagbigay ng utos upang iligpit ang mga Kuratong suspects na naarestong may hawak na $2 milyon at P300,000 cash. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest