Ito ang lumabas sa pagpapatuloy ng isinasagawang pagdinig ng House committee on energy hinggil sa mga kontrata ng Napocor, Meralco at mga independent power producers (IPPs).
Ayon kay Edgardo Delfonso, pangulo ng Power Sector Asset and Liabilities Management o Psalm Corp., umabot na sa 6.7 bilyong dolyar ang pagkakautang ng Napocor sa mga foreign financial institutions noong nakalipas na Disyembre 2001 habang umaabot naman sa $11.4 bilyon ang pagkakautang ng Napocor sa mga IPPs.
Bagaman at ganito kalaki ang pagkakautang ng Napocor ay umutang muli ito nitong nakalipas na Enero 2002 mula sa mga foreign financial institutions.
Sinabi ni Delfonso na mula noong 1991 hanggang 1998 ay walang natatanggap na anumang suportang pinansiyal ang Napocor mula sa gobyerno para tustusan ang mga ginagawang pag-upgrade sa mga transmission at pagpapatayo ng mga generating plant.
Ang tanging naibigay lamang na tulong ng pamahalaan ay ang pagiging guarantor umano sa mga inuutangan ng Napocor. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)