Ayon kay acting Press Secretary Silvestre Afable, mahihirapang magtagumpay ang naturang kaso dahil ang legalidad ng Arroyo administration ay kinatigan na ng Korte Suprema kayat awtomatikong absuwelto ang mga opisyal na nag-withdraw ng support sa kanilang commander-in-chief na si Erap.
Ayon sa grupo ng mga mamamahayag, isinampa nila ang mutiny charges para hindi na maulit ang mga kaganapang kahalintulad ng Edsa Dos.
Pero, iginiit ni Afable na hindi maaaring mapigilan ang mga pag-aklas at sentimiyento ng taumbayan laban sa isang palpak na gobyerno. Nakahanda naman sina Reyes at Villanueva na harapin ang mutiny charges na isinampa laban sa kanila dahil sa pagbaligtad ng suporta kay Estrada.
Ayon sa dalawa, wala silang dapat katakutan dahil naniniwala silang ang pagbaligtad nila ay ginawa nila para sa bayan at wala silang nakikitang masama rito.
Ani Reyes, nagdesisyon silang mag-withdraw ng suporta dahil kung di niya ito gagawin ay higit na magkakagulo at baka lalong di makontrol ang posibleng mangyari.
Sa panig ni Villanueva, bakit pa anya nila susuportahan si Estrada kung mismong ang taumbayan ay ayaw na sa pamamalakad nito. (Ulat nina Ely Saludar/Joy Cantos/Rudy Andal)