Tapos ng fish kill, red tide naman
May 16, 2002 | 12:00am
Nanawagan si Senate President Pro-tempore Manny Villar sa agriculture at health department na liwanagin ang balitang sinasalanta ng "red tide" ang lalawigan ng Pangasinan dahil maaring makaapekto ito sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa kalusugan ng mamamayan sa nasabing lalawigan.
Batay sa ulat, umaabot na sa 856,000 katao ang naapektuhan ng red tide, kasama dito ang mga naapektuhan ang kabuhayan at nalason dahil sa pagkain ng mga kontaminadong lamang dagat.
Ani Villar, mahalagang maprotektahan ang interes ng publiko gayundin ang mga umaasa sa panghuhuli at pagtitinda ng isda para sa kanilang kabuhayan kaya dapat na magpalabas kaagad ng opisyal na pahayag ang DA at DOH kung hindi totoo ang report.
Sinabi ng senador na naalarma siya sa ulat na may red tide sa Pangasinan dahil lumabas ito hindi pa man nakakaahon ang mga mangingisda sa pesteng dulot ng malawakang fish kill kung saan libu-libong bangus ang namatay. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Ludy Bermudo | 11 hours ago
Recommended