Nang-molestiyang mga pari baka resbakan ng mga biktima
May 16, 2002 | 12:00am
Ang naganap na pamamaril ng isang 17-anyos na American Negro sa isang popular na pari sa Baltimore, USA kamakalawa ay hindi malayong maganap sa bansa, kung hindi bibigyang pansin ng mga kinauukulan ang seryosong pagkilala sa mga kabataan at kababaihang biktima ng sexual abuses ng mga pari.
Ang mahigit na 20 taon ng pari ng Baltimore church na si Maurice Blackwell ay nasa kritikal na kundisyon ngayon makaraang barilin ng tatlong ulit ng tinedyer na si John Stoke na umamin sa kanyang pamamaril ngunit nagsabi rin na ang dahilan ng kanyang pamamaril ay dahil sa ilang ulit na pang-aabuso na ginawa sa kanya ni Blackwell may dalawang taon na ang nakaraan.
Sa pahayag ni Dr. Lourdes Dado, isang social psychologist at head ng sociology department ng isang kilalang pamantasan sa bansa, kapuna-puna na tanging sa Pilipinas lamang nangyayari na kung sino pa ang biktima ng pang-aabuso ng mga pari o sinumang miyembro ng simbahan ang lumalabas na kontrabida at ang tunay na kontrabida lalot pari ang nauugnay ang lumalabas na inapi.
Pero hindi maaring manatiling ganito na lamang ang sitwasyon na ang tunay na api ay mananatiling api dahil sa tagal na pagkimkim ng kanilang madilim na nakaraan sa kamay ng pari ay hindi malayong ilagay ng mga ito ang hustisya sa kanilang kamay at sila na mismo ang maghiganti.
Ayon pa kay Dado, mayroong mga kaso ng pagkamatay ng pari na ang tunay na motibo ng suspek ay itinatago. Mayroong 95% sa kaso ng mga paring napatay ay pawang paghihiganti ng suspek na nag-ugat sa pang-aabusong sexual.
Ginawang example ni Dado ang isang kura paroko ng isang parokya sa Maynila na umanoy namatay due to suffocation gayong ang ibang naglalarong anggulo ay pinalo muna ito sa ulo at ng mawalan ng malay ay tinangkang sunugin.
Lumilitaw pa na ang suspek ay paaral ng pari sa isang exclusive university at mayroon umanong sexual relation sa napaslang na pari. (Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended