Sex victims ng Pari pinalalantad; CHR nakahandang tumulong
May 15, 2002 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang isang private lawyer sa mga umanoy biktima ng sexual molestation ng mga Pari na lumantad upang mabigyan ng hustisya ang kanilang kaso.
Sinabi ni Atty.Sebastian Licaros,na minsan nang humawak ng kaso laban sa Paring Katoliko na doble ang trauma na inaabot ng biktima ng panggagahasa ng Pari dahil sa halip mapunta ang simpatiya sa kanya ay nagiging kontrabida siya dahil Pari ang kanyang kalaban.
Maging ang pamilya nito ay hindi rin umano sumusuporta dahil sa kahihiyan na aabutin nila dahil sa Pari ang suspek.
Kaya ang nangyayari ay hindi na nadadala sa Korte at ang may sala ay nakakawala.
Ayon pa kay Atty.Licaros na may maling akala ang Pinoy na kapag isang Pari ang suspek sa isang kaso ay hindi na ito maaaring usigin dahil sa pag-aakalang ito ay may immunity.
Ang mga kasong may kinalaman sa maling palakad ng simbahan ay pwedeng panghimasukan ng Catholics Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Ito rin ang dumidinig sa usapin ng kasong kinasasangkutan ng Pari at dito nagmumula ang desisyon kung ang Pari ay ipapatapon sa malayong lalawigan.
Subalit wala na sa poder ng CBCP ang desisyon kung ang kaso ay tulad ng rape o child molestation dahil korte ang hahawak dito.
Nakatakda namang tumulong ang Commission on Human Rights (CHR) kung sila ay lalapitan ng mga biktima ng Pari lalot ang mga biktima ay menor de edad at babae.
Ngunit maging ang CHR ay walang ideya kung ilan na ang babaeng inabuso ng pari at mga batang inabuso ng Paring bakla. (Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
21 hours ago
Recommended