Hindi kilalang tao ang coddlers ng ASG
May 14, 2002 | 12:00am
Hindi kuntento ang mga senador sa isinumiteng listahan ng mga pulitiko at maimpluwensiyang pamilya na umanoy sumusuporta sa bandidong Abu Sayyaf Group.(ASG)
Ayon kina Senators Manny Villar,Loren Legarda at Rodolfo Biazon na wala silang maituturing na malaking negosyante o pulitiko na kabilang sa listahan na isinumite ng AFP sa senate committee on national defense ang security sa isinagawang executive session kahapon ng umaga.
Wika ni Villar,kung ang natanggap nilang pangalan na itinuturing na supporters o coddlers ng ASG ay bakit hindi pa nagagawang mabuwag ng militar ang bandidong grupo gayung pawang maliliit na negosyante,konsehal ng bayan at dating alkalde lamang ang sumusuporta sa mga ito.
Aniya,hihingin pa nilang magsumite ang panibagong listahan ang militar sa komite upang matukoy ang detalye ng ginagawang pagtulong ng mga ito sa bandidong grupo.
Batay sa listahan,wika naman ni Biazon na umaabot lamang sa 6 na personalidad ang tinukoy ng militar sa dokumento na isinumite nila sa komite na pinamumunuan ni Sen.Ramon Magsaysay.
Hindi naman maibunyag ng militar ang listahan ng mga pinaghihinalaang coddler ng ASG dahil wala silang kongkretong ebidensiya laban sa mga dahil nagmula lamang ito sa intelligence report. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended